KIM DOMINGUEZ pantasya ng bayan!

TALBOG! 
by Joe Barrameda             




       Ang tinaguriang fantasya ng bayan at pangalawa na pinaka sexy sa FHM na si Kim Domingo ay lalong magpapatibok ng puso ng mga kalalakihan dahil ngayon ay may ilalabas siyang libro na State of Undress under Summit. Very revealing ang mga pose dito ni Kim at kung lumuluwa ang mga mata ng mga lalaki sa kaseksihan ni Kim sa Bubble Gang na napapanood tuwing Biyernes ay lalo silang mampapa oh and wow sa State of Undress Book.
      Kaya kung gusto ninyo makita ng personal si Kim Domingo ay go na kayo sa National Book Store sa Glorietta 1 sa July 1 at magkakaroon ng book signing mula alas dos ng hapon hanggang alas singko. Registration stars at 1PM.


                                                             @@@@

      First time namin makadalo sa TOFARM Film Festival Preskon at na-impress kami sa anim na pelikulang maglalaban laban. Ito ay ang Baklad ni Topel Lee, High Tide ni Tara Illenberger, Instalado ni Jason Paul Laxamana,  Kamunggai ni Vic Acedillo, Jr, Sinandomeng ni Byron Bryant at What Home Feels Like ni Joseph Abello. Napanood namin ang
mga trailer at pawang magaganda sila huh.
Pamilyar sa amin ang salitang UHI since laking hacienda kami. At ang mga produkto ng UHI ay gamit ng mga farmers. Kaya isang malaking kontribusyon ang bigay ng UHI sa pangunguna ng kanilang Executive Vice President at TOFARM Chief Advocate na si Dra Milagros How sa Film Industry at pag promote sa mga outstanding farmers na related sa mga pelikula. 

       Ang TOFARM Film Festival ay magsisimula sa July 12 hanggang July 18 at magkakaroon ng awards night sa July 16.awards night.

     @@@  
                                                   
 Si Macoy de Leon na produkto ng ABS CBN Hashtag na  napapanood madalas sa Showtime ay bibida sa pelikulang Instalado. Bale first time niyang lumabas sa pelikula kaya excited siya. Guwapo kahit medyo pandak si Macoy pero in fairness marami ng fans ang bagets na ito. May itsura din ang ama na produkto naman ng Mr Pogi ng Eat Bulaga.

Comments

Popular posts from this blog

JUDY ANN SANTOS....MAY MENSAHE SA MGA NANGHUSGA SA KANYA

RURU MADRID next important star in GMA network!