NIKKO NATIVIDAD....MASAMA ANG PAG-UUGALI KAYA BINITIWAN NG MANAGER!

 

SOFT SPOT

By Dominic Rea

 

Masama ang loob ng kanyang manager!

"Hindi mababayaran ng pera ang utang na loob, itinuring namin siyang hindi iba sa amin ..minahal bilang kapatid at anak sa Frontdesk"


HALOS isang linggo na ang nakakaraan nang bitawan finally ni Nanay Jobert Sucaldito bilang talent itong si Nikko Natividad. Hindi namin alam ang totoong kuwento kung bakit nagdesisyon si Nanay Jobert na tapusin na nga ang kanyang pagma-manage kay Nikko. Nakailang text din ako kay Nanay Jobert asking his side of the story pero hindi niya ako sinagot. Maybe, ayaw pa niyang magsalita about the real reason why or maybe mas gusto niyang sabihin ito sa akin personally. Hanggang sa magpost ako ng aking personal note sa facebook account ko at sumagot nga siya ng napaka-ikli! Ayon sa dating manager ni Nikko ay masama ang pag-uugali ng binatang miyembro ngayon ng Hashtag ng It's Showtime. 
" Ngayon ko na sasagutin yan. Ayoko ng mag-elaborate. Saksakan ng sama ng pag-uugali! " litanya pa ni Nanay Jobert Sucaldito! Maikuwento ko lang. One time nasa isang area ako ng ABS-CBN. May binibili yata ako. Nakita ko si Nikko at alam kong nakita niya ako. Pero kunwari deadma siya at never talaga lumapit sa akin at batiin ako. I understand dahil may kausap naman siya. Pero hindi ganoon eh. Kapag maganda at totoo ang relasyon mo sa mga kaibigang Press, ikaw bilang artista o anuman o kung sino ka man, magbigay galang at pugay dapat. Respeto kumbaga dahil hindi lang naman kami once or twice nagkakasama sa tsikahan ni Nikko kundi anak-anakan na rin ang turing namin sa kanya dahil lahat ng anak-anakan ni Nanay Jobert ay hindi na namin ito tinuturing na iba sa amin kundi niyayakap na rin namin itong parang kapatid! Kunsabagay, napakarami nilang naga-artistang ganyan ang pag-uugali baguhan man o matagal na sa industriya. Kasi kapag pag-uugali naman talaga ang isyu, aba, tumigil ka! Sa tinagal-tagal ko sa industriyang ito, marami na akong nakitang sitwasyon ng kawalang-galang at kawalanghiyaan. Kaya sabi ko kay Nanay Jobert, walang pupuntahan ang mga ganyang tao! Ang nagtatagal sa showbiz ay ang mga taong may magagandang loob at TUNAY NA PAKIKISAMA! Kung ako sa iyo Nikko, hindi dapat ganoon! Hindi nababayaran ng pera ang utang na loob! Tandaan mo yan! Hindi ka naming itinuring na iba kundi minahal ka namin sa Frontdesk bilang kapatid at anak!

Comments

Popular posts from this blog

JUDY ANN SANTOS....MAY MENSAHE SA MGA NANGHUSGA SA KANYA

RURU MADRID next important star in GMA network!