GIL CUERVA pantasya ng bayan !


https://pbs.twimg.com/profile_images/873919030179938304/KrZs0s7-_bigger.jpg

LOUDEST WHISPER
BY RICO MIRANDA

     Hanggat maari  ayaw na ayaw pala ng baguhang aktor/model  na si Gil Cuerva na ikinu kumpara siya sa model na si Borgy Manotoc. Noong mga panahong wala pa ang fil/spanish aktor sa showbiz at nagsisumula palang siya sa modeling madalas umano na raw siyang ikinu compare sa eldest son  ni Imee Marcos
     "Well im so flattered pero gusto ko magkaroon ng sariling identity . I am  not saying na ayokong ikumpara ako sa iba. This is me... yun lang yun e, at bilang baguhan maganda yung makagawa ka ng sariling pangalan na wala kang ginagamit na ibang tao,"explain ng aktor .
Hindi maikakaila na isa si Gil Cuerva ang pinagpapantasyahan  ngayon ng madla.Bagama't baguhan palang siyang  maitituturing pero dahil sa lakas ng kanyang dating hindi siya nahirapang gumawa ng sariling pangalan sa industrya na lalo pa ngayon na maganda ang feedback ng kanilang romantic series program ang "My Love From The Star" with Jennylyn Mercado . Buong sangbayanan ay nakatutok sa nasabing programa ng GMA Telebabad dahil nabihag nina Gil at Jen ang kiliti ng masang pinoy kaya naman di nakapagtatakang ma maintain ng nasabing programa ang taas ng rating kumpara sa kalaban nito .Marami talaga ang kinikilig sa tambalan ng dalawa kaya subaybayan palagi ang mga nakaka inlove na mga eksena nina Steffi at Matteo sa "My Love From The Star " ng GMA Network .
   

Comments

Popular posts from this blog

JUDY ANN SANTOS....MAY MENSAHE SA MGA NANGHUSGA SA KANYA

KIM DOMINGUEZ pantasya ng bayan!

RURU MADRID next important star in GMA network!