Katrina Halili, nalungkot sa pagtatapos ng kanyang programa sa GMA 7

BY Rico Miranda



    Ending na nang programang D Original this coming friday sa GMA afternoon prime kung saan ang aktres na si katrina Halili nagsilbing kontrabida bida sa nasabing serye. Nang makausap namin si Katrina eksklusibo nasa set ang aktres kung saan nag te taping siya ng huling yugto ng pagtatapos ng D Original.  
     "Huling taping na po namin ito, medyo malungkot dahil matatapos na yung D Original sa linggong ito. Sobrang thankful po ako sa grupo na to ... ang daming momments na ma mi miss ko sa kanila ..yung pong bonding ng bawat isa hindi lang po sa kapwa artista ko maging sa mga  production staff na talagang inalagaan kami hanggang sa huli," may halong lungkot na pahayag ng aktres.
     "Napaka gaan- gaan po nilang kasama, lahat sila yung hindi ka mai intimidate magaan silang ka trabaho. Lagi kaming masaya sa set, especially kay Tita Jane sobrang maalaga at mabait sa amin so, sana next time sila pa rin yung maka trabaho uli, same group "
Ang seryeng D original lang ang tanging show ng aktres sa GMA,kaya naman naitanong namin kay Katrina kung may fallow up project na ba siya sa nasabing istasyon ngayon mamamaalam na sa ere ang nasabing show sa linggong ito.?
     " So far wala pa naman abiso sa akin ang GMA but im sure meron naman siguro silang inilalaan para sakin. we will see kung may kasunod its good for me , pero kung wala siguro guesting na lang muna, hindi naman ako nagmamadali at mapaga demand. Halos isang dekada na ko sa GMA pero hindi naman nila ko pinabayaan..siguro right timing and right projet na babagay sa charakter ko,"dagdag pa ng aktres.
     Balitang ang ilan sa mga talents ng GMA ay hindi na nag renew ng kanilang kontrata at lumipat sa ibang management company. Bilang isa sa mga talent ng GMA, ano ba masasabi ni Katrina sa kanyang mga kasamahan na matapos alagaan bigyan ng pangalan ay nag over da bakod sa ibang talents agency.
     "Well i dont wanna comment on that issue anymore,una una di ko po pinakikialaman yun, although naririnig ko pero ...wala lang sa kin. Ako kasi honestly speaking marami na ring nag nagtatanong about that. Wala naman kasi akong makitang dahilan para lumipat and im very thankful sa treatment na ibinibigay sa akin ng GMA , so, bakit ko pa gagawin yun kung happy naman ako sa kanila.
     "Sa daming dagok na dumating sa buhay ko, ilang beses na akong nadapat bumangon , GMA always there for me hindi nila ko pinababayan. Kahit gusto ko nang i give up ang career ko nung time na dumating sakin ang anak kong si katie, sila pa rin yung bumangon sa pagkadapa ko. For me hindi ko magagawang yun!!," mariing sabi ng aktres
    

Comments

Popular posts from this blog

JUDY ANN SANTOS....MAY MENSAHE SA MGA NANGHUSGA SA KANYA

KIM DOMINGUEZ pantasya ng bayan!

RURU MADRID next important star in GMA network!