JACKIE RICE NEGANG NEGA SA MGA FANS
   by Joe Barrameda                                   
       May bago ng kakompitensiya si Thea Tolentino sa mga kontrabida 
roles. Si Jackie Rice na very effective role niya as Lucy sa My Love 
From The Star. Ang dami na ngang naiinis sa kanya sa pagiging plastic 
niya kay Steffi na ginagampanan ni Jennylyn Mercado!
     In fairness, every night kaming may nababasang nega comments about 
her dahil sa nakakainis na ginagawa ng role niya. Kaloka diba??? Pero 
good job Jackie dahil galing mo  pero sa mga fans hinay hinay. Lang ha? 
Hindi rin matatawaran ang kabaitan ni Jackie. We can attest to that. 
Talbog !!!
Janine, sobrang nahirapan sa ‘LB’!
After ng kanilang successful finale last Friday, hindi na nga naitanggi 
ni Janine Gutierrez ang hirap na kanyang naranasan sa pagganap na isang 
bulag sa Legally Blind.
Mababasa nga `yon sa post ng Kapuso leading lady kasama si Mikael Daez na suot ang kanilang wedding outfit.
Pinasalamatan din niya ang buong cast ng nasabing GMA Afternoon Prime 
series na talaga namang naging kaibigan na rin niya through time.
Don’t worry, girl, marami talaga ang humanga sa’yo sa kagalingan mo 
bilang si Grace. It’s because of your role kaya maraming mga kababaihan 
ang na-empower talaga. Congrats!
                                                              @@@@
KRIS, DETALYADO ANG KAPANGITAN!
Detalyado at pulido ang prosthetics na gagamitin para sa role ni Kris 
Bernal na Nimfa sa Impostora kaya inaabot ng dalawang oras ang 
paghahanda at paglalagay nito.
Mula sa wig, hanggang sa false teeth, pinakita sa isang exclusive video 
ng GMA Network kung paano ang transformation ni Kris sa itsura ni Nimfa.
Kaya ngayong Lunes, July 3, masisilayan na ang buong kaanyuan ni Nimfa 
at kanyang magiging transformation kaya abangan ito sa GMA Afternoon 
Prime!
                                                           @@@@@


Comments
Post a Comment