OGIE ALCASID focus na muna sa singing career!

OGIE ALCASID nabigyang katuparan na makagawa ng album with the orchestra!

BY RICO MIRANDA


“Ito talaga ang tinanong ko, 'Puwede ba akong mag-record with the orchestra?'.pumayag naman sila sa gusto ko. 
“E, kasi singer talaga 'ko.Noong nasabi nila na, 'Sige, magre-record ka,' gagawa ka ng mga kanta para sa mga teleserye, biglang naano yung creative side ko.”
“Well, sila lang ang may orchestra.Kaya alam Kong sila yung tanging mahihilingan ko na makapag record with the orchestra.
“Pangalawa, hindi pa ako nakakagawa ng album sa Star Music.So, excited ako. Nagpaalam naman ako.
"Mahirap mag-release ng all-original ngayon.
“Bihirang mangyari ito na ang isang artist ay nabigyan nila ng pagkakataon na makapag-record with the orchestra.
“Natutuwa naman ako na binigyan ako ng chance ng ABS-CBN, I’m so happy.From the songwriting to the production.So co-producer ko si Jonathan Manalo.
“Galing ako ng Universal, di ba?Sabi ko, I just have... meron akong gagawing special project.Sabi lang nila, with the orchestra, go ahead.”paglalahad ni Ogie nang makapanayam naming siya sa kanyang mall tour kaugnay ng launching ng bago nitong album"Nakakalokal" na ginanap msa Robinson Magnolia just recently..
kwento pa ni Ogie ,focus na muna siya sa kanyang career ,medyo lilimitahan  daw muna nito ang guesting sa television bilang comedian sa Dos sa pag awit na muna daw niya itutuon ang kanyang atensyon
Hindi ko dapat pabayaan.Parang sabi sa akin ni Lord, '‘Yan ang binigay ko sa ‘yo.'Huwag ka na munang mag-comedy-comedy. 'Focus ka na lang muna sa music.'
“So ito talaga ang ginagawa ko, tutok talaga ko.”aniya.
Sa naturang album, nakapaloob din dito ang medley songs ng wife niyang si Regine Velasquez ,may duet silang mag couple ,ang "Hanggang Ngayon"  at ilang classic hits na sumikat ng mga awitin ng singer aktres.
 "Yan naman very supportive ,mapagmahal na asawa kahit busy rin siya nandun padin yung suporta niya."
Sa nakaraang mall show ni Ogie present siyempre bilang suporta sa kanya ang dalawa nitong anak na si  Laila at Nate.Nandun din ang kanyang wife na si Regine na nagpamalas ng awtin with Ogie .
 “Nakaka-ano, nakakawala ng nerbiyos kapag nandiyan sila.Kasi, alam nila ang dinaanan ko noong ginagawa ko yung album.Yung support nila siyempre nandun kapag nandoon sila.Nabubuhayan ako.
"Pero God is good. Very merciful. Ngayon, kumpleto ang pamilya ko.Maganda naman ang health naming mag-asawa.Maganda ang career ng asawa ko, ako okey rin naman ako.So God is good,”pagtatapos ni Ogie

Comments

Popular posts from this blog

JUDY ANN SANTOS....MAY MENSAHE SA MGA NANGHUSGA SA KANYA

KIM DOMINGUEZ pantasya ng bayan!

RURU MADRID next important star in GMA network!