RURU MADRID next important star in GMA network!

RURU MADRID sasabak sa action genre sa seryeng ROBINHOOD 2!

Sa programang Encantadia namin unang nasilayan ang kakisigan at ka guwapuhan ng heartthrob na si Ruru Madrid, pumukaw sa aming atensyon ang kanyang matikas na pangangatawan at karakter bilang prinsipe Ybrahim.Infairness may angas at dating ang baguhang aktor at marunong makipag sabayan kung akting ang pag uusapan kaya naman di nakapagtatakang marating nito ang lurok ng tagumpay bilang ganap na artista't makagawa ng sariling pangalan sa larangan ng industry bilang isang magaling na aktor in the feature.
   Hindi nga kami nangkamali ng aming naging obserbasyon sa alaga ni Direk Maryo J delos Reyes na bagamat marami ang nakakapansin na mysterious ang kanyang personalidad at very soft spoken hindi naman yun naging balakid sa nasabing aktor, at lagi pa din siyang nasa eksena at hindi nawawalan ng mga project ang anak anakan ni kuya jobarr at kitang kita naman na umaariba ang kanyang career kahit sa kabila ng mahigpit na kompitsiyon sa GMA 7 hindi nababakante si Ruru at laging may  nakalaang project sa naturang istasyon sabi nga, when something good happens other good things usually happen at the same time!True enough, Isa si Ruru sa maswerteng napabilang sa cast ng book 2 ng Robinhood na pagbibidahan pa din ng aktor na si Dindong Dantes. Marahil ang seryeng ito ang maghatid ng panibagong yugto  sa career ng alaga ni Direk Maryo na si Ruru  lalo pa't sasabak na siya sa action genre na tiyak na mag mamarka sa isipan ng mga viewers sa nasabing serye. Hindi lang yan, abangan din natin ang nilulutong big project ng GMA network para kay Ruru ,sabi nga ni Kuya Joe si Ruru daw marahil ang napipisil ng kapuso network bilang next important star. Nominated din Si Ruru sa 7th Eduk Circle Awards under Best Action Television Series para sa kanyang magandang performance in Encantadia.O diba? when it rains it pours ika nga! Gudluck Ruru!    


Comments

Popular posts from this blog

JUDY ANN SANTOS....MAY MENSAHE SA MGA NANGHUSGA SA KANYA

NIKKO NATIVIDAD....MASAMA ANG PAG-UUGALI KAYA BINITIWAN NG MANAGER!