Vhong Navarro sobrang bilib kay Lovi Poe! Mother Lily umiksena sa presscon ng WOKE UP LIKE THIS!
by Rico Miranda posted on August 26 2017
Sa grand Press Conference ng pelikulang “WOKE UP LIKE THIS” na ginanap sa Valencia Events Place na surprised ang mga press people at maging ang cast nang nasabing movie sa pinamalas na pasabog ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde na ang akala ng karamihan isang intermission dance group lang ang sasayaw .nagulat ang lahat maging sina Vhong Navarro at Lovi Poe hindi akalain na si Mother Lily pala ang lead dancer nang grupo na hataw to the max with shade, and Jersey attire at sumayaw sa saliw ng DESPACITO !Iba ka talaga mother .
_____________________
Magbabalik muli ang prime comedian na si Vhong Navarro with
leading lady prime actress Lovi Poe sa
pelikulang pinakahihintay ng lahat ang pelikulang magpapasaya at magpapakilig
sa inyo bagong putahe , the movie entitled “WOKE UP LIKE THIS” handog ng Regal
Films. Unang nagsama ang tambalang Vhong at Lovi sa pelikulang ‘Shake Rattle
& Roll ni direk Chito Rono at first
time niyang makakasama ang alaga ni Leo Dominguez na isang comedy na punong
puno ng kilig at saya.
“Dito ko lang siya
na-appreciate, na ang saya-saya pala niyang kasama, I mean parang tawa lang
siya nang tawa sa bawa’t eksena. Ang sarap kasi kapag ‘yung kaeksena mo tawa
lang nang tawa kasi lalo kang ginaganahan.
“Hindi lang siya pang acting talagang magaling din siyang comedian
. may angas din pagdating sa pagpapatawa.
“Ang natutunan ko kay Lovi ay ‘yung pagiging professional,
kumbaga akala ko professional na ako, mas nakita ko pa ‘yung pagiging
professional ni Lovi,” aniya pa.
______________________________
DURING THE PRESS CONFERENCE OF "wokeuplikethis" movie under Regal Films Narito na ang bagong pasabog ng dalawang tambalang Vhong Navarro at Lovi Poe may hatid na saya at kilig isang comedy movie na ang hatid ay makapabigay kasiyahan sa mga manonood . Abangan sa August 23 showing na ang pelikulang WOKE UP LIKE THIS sa diresyon ni Joel Ferrer,kasama din sa nasabing movie sina Bayani Agbayani, Cora Waddell, Dionne Monsanto, Yanna Assitio, Raikko Matteo.
Huwag kaliligtaan panoorin ang back to back na saya at kiliti na tiyak na swak na swak sa panlasa ng bagong henerasyon sabi nga ni katotong Jun Nardo bagong putahe , pasiklab at very millenial ang dating ng kanilang komedya. Yun na!
Comments
Post a Comment