Posts

Showing posts from July, 2017

LEILA ALCASID KASUNDO ANG STEPMOTHER NA SI REGINE !

Image
By Rico Miranda Naispatan namin ang anak ni Ogie Alcasid kay MichelleVan Eimeren na si Leila Alcasid sa kanyang Mall tour kamakailan sa Robinson Magnolia bilang suporta sa kanyang ama na nag launch ng bagong album under Star Masic "Nakakalokal". Nakapanayam namin after the show si Leila na ngayoy sumabak na rin sa magulong mundo ng showbiz. Siya ngayon ay nasa pangangalaga ng Star Magic ABS CBN at model ng Bench. Napag alaman namin mismo kay Leila na masaya siya feeling ng kanyang ama at nang kanyang stepmother na si Regine Velasquez. Pero hindi pa nito sure kung matatagalan ang pananatili niya dito sa Pinas. "I want to, I want to," aniya. "We still don't know what will gonna happen in the future. But i'm really enjoying it here .I want to spend more time here.we will see," Laila said.  Kinumusta rin namin ang relsayon nito sa sa stepmother na si Regine.  “She’s wonderful! You know, she’s family to me. “I’ve known her since I was young

OGIE ALCASID focus na muna sa singing career!

Image
OGIE ALCASID nabigyang katuparan na makagawa ng album with the orchestra! BY RICO MIRANDA Nabigyang katuparan ang matagal nang minimithi ng beteranong singer na si Ogie Alcasid na makagawa ng album kasama Philharmonic Orchestra. Kamakailan ini launch na ang kayang unang album under Star Music ,ang NakakaLokal. Ang naturang album ay sarili niyang konsepto at mga original na awitin at siya din mismo ang nag suggest sa ABSCBN kung puwede siyang mag recording na with the orchestra. “Ito talaga ang tinanong ko, 'Puwede ba akong mag-record with the orchestra?'.pumayag naman sila sa gusto ko.   “E, kasi singer talaga 'ko. Noong nasabi nila na, 'Sige, magre-record ka,' gagawa ka ng mga kanta para sa mga teleserye, biglang naano yung creative side ko.” “Well, sila lang ang may orchestra.Kaya alam Kong sila yung tanging mahihilingan ko na makapag record with the orchestra. “Pangalawa, hindi pa ako nakakagawa ng album sa Star Music. So, excited ako. Nagpa

RURU MADRID next important star in GMA network!

Image
RURU MADRID sasabak sa action genre sa seryeng ROBINHOOD 2! Sa programang Encantadia namin unang nasilayan ang kakisigan at ka guwapuhan ng heartthrob na si Ruru Madrid , pumukaw sa aming atensyon ang kanyang matikas na pangangatawan at karakter bilang prinsipe Ybrahim.Infairness may angas at dating ang baguhang aktor at marunong makipag sabayan kung akting ang pag uusapan kaya naman di nakapagtatakang marating nito ang lurok ng tagumpay bilang ganap na artista't makagawa ng sariling pangalan sa larangan ng industry bilang isang magaling na aktor in the feature.    Hindi nga kami nangkamali ng aming naging obserbasyon sa alaga ni Direk Maryo J delos Reye s na bagamat marami ang nakakapansin na mysterious ang kanyang personalidad at very soft spoken hindi naman yun naging balakid sa nasabing aktor, at lagi pa din siyang nasa eksena at hindi nawawalan ng mga project ang anak anakan ni kuya jobarr at kitang kita naman na umaariba ang kanyang career kahit sa kabila

Katrina Halili, nalungkot sa pagtatapos ng kanyang programa sa GMA 7

Image
BY Rico Miranda     Ending na nang programang D Original this coming friday sa GMA afternoon prime kung saan ang aktres na si katrina Halili nagsilbing kontrabida bida sa nasabing serye. Nang makausap namin si Katrina eksklusibo nasa set ang aktres kung saan nag te taping siya ng huling yugto ng pagtatapos ng D Original.        "Huling taping na po namin ito, medyo malungkot dahil matatapos na yung D Original sa linggong ito. Sobrang thankful po ako sa grupo na to ... ang daming momments na ma mi miss ko sa kanila ..yung pong bonding ng bawat isa hindi lang po sa kapwa artista ko maging sa mga  production staff na talagang inalagaan kami hanggang sa huli," may halong lungkot na pahayag ng aktres.      "Napaka gaan- gaan po nilang kasama, lahat sila yung hindi ka mai intimidate magaan silang ka trabaho. Lagi kaming masaya sa set, especially kay Tita Jane sobrang maalaga at mabait sa amin so, sana next time sila pa rin yung maka trabaho uli, same group " Ang s

JACKIE RICE NEGANG NEGA SA MGA FANS

Image
  TALBOG!    by Joe Barrameda                                          May bago ng kakompitensiya si Thea Tolentino sa mga kontrabida roles. Si Jackie Rice na very effective role niya as Lucy sa My Love From The Star. Ang dami na ngang naiinis sa kanya sa pagiging plastic niya kay Steffi na ginagampanan ni Jennylyn Mercado!      In fairness, every night kaming may nababasang nega comments about her dahil sa nakakainis na ginagawa ng role niya. Kaloka diba??? Pero good job Jackie dahil galing mo  pero sa mga fans hinay hinay. Lang ha? Hindi rin matatawaran ang kabaitan ni Jackie. We can attest to that. Talbog !!! Janine, sobrang nahirapan sa ‘LB’!  After ng kanilang successful finale last Friday, hindi na nga naitanggi ni Janine Gutierrez ang hirap na kanyang naranasan sa pagganap na isang bulag sa Legally Blind. “This was the hardest role I’ve ever had to do,” sabi ni Janine. Mababasa nga `yon sa post ng Kapuso leading lady kasama si Mikael Daez na suot a

NIKKO NATIVIDAD....MASAMA ANG PAG-UUGALI KAYA BINITIWAN NG MANAGER!

Image
  SOFT SPOT By Dominic Rea   Masama ang loob ng kanyang manager! "Hindi mababayaran ng pera ang utang na loob, itinuring namin siyang hindi iba sa amin ..minahal bilang kapatid at anak sa Frontdesk" HALOS isang linggo na ang nakakaraan nang bitawan finally ni Nanay Jobert Sucaldito bilang talent itong si Nikko Natividad. Hindi namin alam ang totoong kuwento kung bakit nagdesisyon si Nanay Jobert na tapusin na nga ang kanyang pagma-manage kay Nikko. Nakailang text din ako kay Nanay Jobert asking his side of the story pero hindi niya ako sinagot. Maybe, ayaw pa niyang magsalita about the real reason why or maybe mas gusto niyang sabihin ito sa akin personally. Hanggang sa magpost ako ng aking personal note sa facebook account ko at sumagot nga siya ng napaka-ikli! Ayon sa dating manager ni Nikko ay masama ang pag-uugali ng binatang miyembro ngayon ng Hashtag ng It's Showtime.  " Ngayon ko na sasagutin yan. Ayoko ng mag-elaborate. Saksaka

ELISSE JOSON ....DIYOSA ANG KAGANDAHAN

Image
  SOFT SPOT By Dominic Rea    Naglipana ang magaganda sa local showbiz industry. Pero iilan lang sa kanila ang masasabi kong perfect ang ganda. And she is no other than Elisse Joson. Nakatsikahan kona minsan si Elisse kasama ang kanyang Mommy sa isang dinner. Walang make-up si Elisse that time pero kitang-kita ko ang gandang meron siya. Hindi man ganoon ka-perfect ang height niya pero the inner beauty na meron siya is the most important! Yes! Napakaganda niya naman talaga at masayang kausap. Ang dalagang nakilala sa isang Mc Donalds TVC. Sa tinagal-tagal ng paghihintay ni Elisse simulang pasukin nito ang pag-aartista, kasalukuyan nang nabibigyang pansin ngayon ang kanyang kakayahan bilang isang artista at kasalukuyang ginagawa ang magagandang projects sa bakuran ng Kapamilya Network. She's so blessed dahil hindi lang magandang mukha meron si Elisse kundi ang pagiging totoong tao nito. Marami na kasi ngayon ang super plastikadang artista na kung sino pa a